Create New Playlist

Add a cover pic of your own choice

(Optional)

Name

AI Cover Generator

4 credits

Not enough credits (0/4).

Logout

Are you sure you want to Logout?

Close

Sakdal Ka 1 by Airelito

SongGPT
Sakdal Ka 1 by Airelito - pop,female vocals music cover art

Sakdal Ka 1

pop,female vocals

0:003:59
Lyrics
Description
Verse 1:
Sakdal ng bayan, sigaw ng katarungan,
Sa bawat silid ng palasyo’t tanggapan,
May mga mumunting aninong lihim ang galawan—
Kamay na marurumi, mga bulsang walang laman.
Verse 2:
Pinagmumulan: kasakiman, kapangyarihan,
Pangakong hungkag, boto’y pinaglalaruan.
Sa halip na serbisyo, sarili ang pinaglilingkuran,
Batas ay nabibili, dangal ay nilapastangan.
Chorus:
Husga at hustisya ng tao, nababaliwala
Dahil sa talim ng kwarta’t pera napapa-ikot nila
MabagsIk talaga, garapal mga buwaya
Sa pag-uusig ng panahon, wala kang ligtas…. SAKDAL ka.
Verse 3:
Kawawang biktima: karaniwang tao, sambayanang mahihirap,
Guro sa silid, pasyente sa banig. Magsasaka sa bukid
Batang di makapag-aral, ina’y walang gamot,
Habang ang magnanakaw, sa yaman ay nalulunod.
Verse 4:
Pondong dapat sa baha, makaapula
Di man lang nasimulan, di man lang ginawa
Habang ang mga tao nalulunod sa baha
Itong mga nakaupong buwaya, tuwang-tuwa
Verse 5:
Kailan magigising sa katutuhanan
Marami ng namamatay sa kanilang kawalanghiyaan
Kailan magigising ang damdamin, ang puso ng bawat isa
Isakdal na natin silang may mga sala
Chorus:
Husga at hustisya ng tao, nababaliwala
Dahil sa talim ng kwarta’t pera napapa-ikot nila
Mabagsik talaga, garapal mga buwaya
Sa pag-uusig ng panahon, wala kang ligtas…. SAKDAL ka.
Verse 7:
Gumising ka na Pilipinas
Sinasamantala ka ng mga buwaya’t mga hudas
Sa telebisyon lahat sila kitang kita
Kung papaano gaguhin mga maralita
Verse 8:
Tumayo, susugpuin, lahat tayo’y magkaisa—
Ang bayan ay babangon, hustisya’y magwawala.
Ang mga sakim ay isasakdal, haharap sa sala,
At ang tinig ng masa, sa wakas maririnig ng madla.
Adlib: (Acoustic guitar strumming for 10 seconds)
Chorus:
Husga at hustisya ng tao, nababaliwala
Dahil sa talim ng kwarta’t pera napapa-ikot nila
Mabagsik talaga, garapal mga buwaya
Sa pag-uusig ng panahon, wala kang ligtas…. SAKDAL ka.
Outro:
Kung sa batas ng tao makaliligtas ka
Dahil sa kapangyarihan ng perang ibinulsa
Pero sa taas pangalan mo nakalista
Hindi sa paraiso, kundi sa empyerno…….
Doon ang iyong SAKDAL, DALAMHATI at DUSA……