Create New Playlist

Add a cover pic of your own choice

(Optional)

Name

AI Cover Generator

4 credits

Not enough credits (0/4).

Logout

Are you sure you want to Logout?

Close

Sa Unang Sulyap 2 by Jharill

SongGPT
Sa Unang Sulyap 2 by Jharill - Acoustic / Romantic Ballad music cover art

Sa Unang Sulyap 2

Acoustic / Romantic Ballad

0:002:56
Lyrics
Description
aminsan ta-ka-labat na, a-neng-neng, agka-na-e-kal ed isip ko
sa gitna ng araw na payapa,
bigla kang dumaan sa aking mata.
di ko alam kung anong hiwaga,
bakit puso ko’y biglang kumaba.
isang saglit lang kitang nasilayan,
ngunit tila ako’y nabihag na agad.
parang bituin sa dilim ng kalangitan,
ang ganda mo’y hindi ko maipaliwanag.
mapungay mong mata’y tila nangungusap,
sa puso kong ngayo’y di mapakali.
mapupulang labi mong kay tamis pagmasdan,
parang pangarap na ayaw maglaho sa isip.
ano ba itong damdaming nadarama,
unang beses na puso’y nabighani.
isang sulyap mo lang ay sapat na,
upang ako’y mahulog nang di sinasadya.
mabulaklak man ang aking mga salita,
kulanging ilarawan ang ganda mo sinta.
sa unang pagkakataon ako’y nabihag,
sa isang dilag na minsan ko lang nasilayan.
kay gandang anyo na tila obra,
na nilikha ng langit para pagmasdan.
bawat galaw mo’y may dalang hiwaga,
puso ko’y tila iyong hinawakan.
di ko man alam ang iyong pangalan,
ngunit alaala mo’y di maalis sa isip.
isang saglit lang tayong nagtagpuan,
ngunit damdamin ko’y ikaw na ang ibig.
kung muli kang makita ng tadhana,
di ko na palalampasin pa.
sasabihin kong ikaw ang dahilan,
kung bakit ang puso ko’y natutong magmahal.
ano ba itong damdaming nadarama,
na sa unang tingin ay nagningas.
isang ngiti mo lang ay sapat na,
upang puso ko’y tuluyang mabihag.
kung ito man ay panaginip lamang,
ayaw ko nang magising pa.
sapagkat sa unang pagkakataon,
pag-ibig ko’y ikaw ang nagpasiklab.
sa unang pagkakataon... ikaw ang nagpasiklab...