Create New Playlist

Add a cover pic of your own choice

(Optional)

Name

AI Cover Generator

4 credits

Not enough credits (0/4).

Logout

Are you sure you want to Logout?

Close

Isang Tuldok Lang 1 by Dafik

SongGPT
Isang Tuldok Lang 1 by Dafik - pop,male vocals music cover art

Isang Tuldok Lang 1

pop,male vocals

0:003:54
Lyrics
Description
Verse 1:
Sa Facebook nagsimula ang lahat
Habang nag-scroll ako, may biglang napadaan at ako'y nagulat
Isang shared post ng kaibigan na may nakalagay
Hoy! Isang tuldok (.) e-mention ko yung barkada ko na bagay sayo
Hindi ko napagtantong dahil sa barkada mo
Doon magsisimulang magbukas ang ating kwento
Pre-Chorus:
Noong nag-comment na nga ako ng isang tuldok
Mention niya yung pangalan mo at dali-dali kong ini-stalk
Nagbiro pa nga ako, “Wag yan may asawa na 'yan”
Sabay tawanan, di ko alam, sa’yo pala nakalaan
Chorus:
Isang tuldok lang, naging pagtagpo
Isang mention lang, puso'y kumikibo
Mula sa friends ko, na barkada mo
Sa mention nagsimula, ngayon hawak ko ang puso mo
Verse 2:
Lumipas ng ilang araw, ako’y nagtanong
“Hi! Ikaw ba 'yung minention?” Sagot mo’y “oo” lang
Subrang sungit mo pa noon at di masyadong nagrereply
Ngunit ngayon puso’y bumigay
Pre-Chorus:
Habang nagcha-chat tayo, nalaman kong may kasintahan ka
Kaya inatras ko yung aking nadama
Lumipas ang ilang linggo tayo’y ulit nagkausap
Doon ko nakikita ulit ang aking pangarap
Chorus:
Isang tuldok lang, naging pagtagpo
Isang mention lang, puso'y kumikibo
Mula sa friends ko, na barkada mo
Sa mention nagsimula, ngayon hawak ko ang puso mo
Bridge:
Minsan talaga ang tadhana’y mapagbiro
Sa maling panahon, tamang tao ang dumapo
Dahil doon, pinili kitang mahalin
Para ako din 'yung iyong mamahalin
Final Chorus:
Isang tuldok lang, naging pagtagpo
Isang mention lang, puso'y kumikibo
Mula sa friends ko, na barkada mo
Sa mention nagsimula, ngayon hawak ko ang puso mo
Sa chat nagsimula, hanggang dulo ikaw at ako
Outro:
Ooohh… isang tuldok lang…
Pero ikaw ang hantungan.